Transportasyon para sa pagbubukas ng BIA handa na-Mayor Perete

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Mayor Victor Perete ng Daraga na nakahanda na ang transportasyon na gagamitin ng mga pasahero para sa pagbubukas ng Bicol International Airport (BIA) sa Barangay Alobo, Daraga Albay.

Ayon kay Perete, napag-usapan ng mga ito kung ano ang maaaring gamitin na transportasyon magmula sa BIA patungo sa National Roads o Terminal.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Aniya, sa lokal na gobyerno tanging papahintulutan  na gamitin ang modernong tricycle o E trike habang ang van at taxi ay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mamamahala umano rito para sa mga papayagan makapagbyahe vice versa.

Aabot sa 20 ang kanilang binigyan temporary prangkisa na mga tricycle ang pinayagan umano na makapagbyahe mula sa BIA hanggang sa National road.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Paglilinaw ng Local na Gobyerno na hindi pinapayagan ang mga tricycle na tumakbo sa National Road dahil sa ipinagbabawal ito at tanging authrisado na bumyahe ay mga taxi at van.

Sinabi ng Alkalde, ang mga tatakbong mga tricycle o authorisado ay permanente ng babyahe sa kanilang destination na ibinigay naman ng lokal na pamahalaan.