Top 2 Most Wanted Person ng Tanauan City, Batangas, arestado

TANAUAN CITY – Arestado sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person ng Tanauan City, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Plasido Robles y Hernandez, 69 anyos at residente ng Sitio Dayapan, Brgy Bilog-Bilog, Tanauan City.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa ikinasang police operation sa naturang barangay ay tuluyang naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest laban sa kanya.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon sa Tanauan City Police Station, ang suspek ay nahaharap sa kasong Homicide at Attempted Homicide na isinampa laban sa kanya noong 2019.

Nakadetina na ang suspek sa custodial facility ng naturang himpilan.