Transport Groups sa Bicol hindi lalahok sa ikinakasang tigil pasada ngayong araw ayon mismo sa LTFRB

CAMARINES NORTE – Tiniyak mismo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi lalahok ang transport groups sa lalawigan ng Camarines Norte at sa buong Bicol Region sa ikinakasang Tigil Pasada mula ngayong araw July 24 hanggang 26.

Sa isang pahayag sinabi ng ahensiya na nagbigay na sa kanila ng assurance ang iba’t- ibang transport group na tuloy- tuloy ang kanilang serbisyo sa mga mananakay.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kabilang sa siyam na grupo ng transport operators sa rehiyon na nagsabi na sa LTFRB na hindi sila lalahok sa transport strike ay ang Mercedes Transport Cooperative, Mercedes-Daet & vice versa, Southroad Transport Cooperative, Daet-Sta. Elena & vice versa at ang Basud Public Transport Cooperative, Basud -San Felipe- Daet & vice versa.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ayon sa ahensiya ang mga nabanggit na transport group ay nagbigay na ng pahayag sa kanila sa pamamagaitan ng liham.

Maging ang mga malalaking transport group sa National Capital Region ay una  na ring nagsabi na hindi sila lalahok sa transport strike na itinaon pa man din sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.