Transport Group hiniling ang P5.00 dagdag singil sa pamasahe

Hiniling ng ilang transport group na magtaas ng limang-piso dagdag singil sa pamasahe sa gitna nang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin nasasaktan na ang mga drayber sa sobrang taas ng diesel na ngayon ay naglalaro na sa P55 hangang P57.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Paliwanag ni Martin na ang P5.00 fare hike ay idadaan naman sa tamang proseso na umaabot ng ilang buwan dahil kailangan sumalang ng ilang hearing sa LTFRB.

Sa tagal umano ng proseso minsan ay balewala na ang kanilang petisyon dahil sa mabilis na galaw ng produktong petrolyo sa merkado.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Samantala habang gumugulong ang proseso, hiniling ng transport group na ibalik muna ang P10.00 minimum fare na inaprubahan ng LTFRB noong 2018 para makabawi sa pagkalugi ang mga drivers.