LEGAZPI CITY – Umaabot na sa 3, 884, 520 o 77.10% na katao ang nagparehistro sa Phil.Id System (PHILSYS) Ito ang inihayag ni Vladimir Peraja, Regional Information Officer 1 sa Brigada News Fm Legazpi.
Ayon kay Peraja, nasa mahigit 10M na ang kabuuhang bilang sa bansa ang nabigyan o nagkaroon na kanilang National Id System.
Pinakamarami pa rin na naitalang nagparehistro ay ang lalawigan ng Camarines Sur at sinundan ito ng lalawigan ng Albay.
Layunin ng pagkakaroon nang ID Sytem ay para malaman ang pagkakakilanlan at ginagamit rin sa pakikipagtransaksyon sa mga Pribado o Government offices.
Sinabi ng opisyal nagpapatuloy pa rin naman ang pagrehistro sa Philippine ID system kung saan naglagay na rin ang mga ito sa mga malls at barangay upang mapabilis ang pagrehistro nito Bicol.