Training ng mga magsisilbing electoral boards para sa BSKE 2023, patapos na ayon sa COMELEC

Aabot sa humigit-kumulang 900,000 ang bilang ng mga magta-trabaho para nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre bilang mga electoral boards, at iba pang election staff.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) spokesperson Dir. John Rex Laudiangco – halos tapos na ang kanilang preperasyon para sa naturang halalan na makailang ulit nang naipagpaliban.

Read More:  DOE files complaint against Leviste, Solar Para sa Bayan officials

Sabi ni Laudiangco – matatapos na rin ang training mga staff nila, pati na rin ang libu-libong mga guro na tatayong electoral sa buong bansa.

Read More:  House of Representatives impeaches VP Sara Duterte

Muli namang binalaan ng poll body official ang mga kandidato na masasangkot sa premature campaigining.

Kung maaalala, mayroon nang nasampulan ang COMELEC at sa mga susunod na linggo ay madaragdagan pa ang masasampahan ng mga reklamo’t ipatatawag ng kanilang opisina.