Ang zombie apocalypse ay karaniwang nakikita sa mga movies o teleserye sa Korea at Hollywood.
Pero sa Osaka Japan nakasama pa ng mga pasahero ang zombies.
Trending ngayon ang pakulo ng isang train station sa Japan para sa pagdiriwang nila ng halloween. Ang naturang train kasi ay may mga zombies na naglalakad habang nasa kalagitnaan ng biyahe.

Tinawag nila itong Zombie Shinkansen na nagkokonekta sa Tokyo at Osaka.
Ayon sa mga pasahero nakakatakot man ang itsura ng mga zombies nakakapagbigay aliw naman sa kanila ito habang nasa biyahe.
Ikaw ka-Brigada sasakay ka pa ba, kung sasamahan ka ng mga zombies?