Djokovic naging emosyonal sa paghaharap muli nila ni Nadal

Masaya si Noval Djokovic na muli niyang makaharap ang  kaniyang matagal nang kalaban na si Rafael Nadal sa Six Kings Slam exhibition sa Saudi Arabia.

Mababatid na inunsiyo ni Nadal na magreretiro na siya sa tennis pag natapos na ang Davis Cup Finals sa susunod na buwan.

Ang dalawa ay nagharap na ng 60 beses. Mayroong 24 Grand Slam title si Djokovic habang si Nadal ay mayroong 22 Grand Slam title lamang.

Sinabi Djokovic sobra siyang nalungkot dahil si Nadal lang ang kaniyang itinuturing na matinding karibal sa larangan ng tennis.