Hawak na ngayon ng mga otoridad ang isang lechonero ng isang tindahan ng lechon manok sa F. Jaca Street, Brgy. Inayawan matapos hindi na nai-remit ni Alyas Peter, 25-anyos, residente ng Barangay Poblacion Pardo ang kita nito sa tindahan na P25K.
Ayon sa may-ari ng tindahan, beses umano nitong tinawagan sa cellphone ng may-ari ngunit hindi ito sumasagot kayat nagpasama sa mga BPSO sa kinaroroonan ni Peter ngunit wala na ang pera.
Ayon kay Alyas Peter, natukso umano syang gamitin ang pera para pantaya nito sa kilalang lottery game na Swertres.
Nagbabakasakali umano sya na mabawi nito ang mga naging talo dahil nasa 200 pesos kada draw ang kanyang natataya.
Mahaharap si Peter sa kasong Qualified Theft.