2 kritikal, matapos magsalpukan ang 2 motorsiklo

Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang mga sakay ng dalawang motorsiklong nagkasalpukan  bandang alas 10:00 ng gabi ng Miyerkules, Agosto 21, 2024 sa National Highway, Brgy. Arpili, bayan ng Balamban, Cebu.

Ayon sa Balamban Police Station, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Junry Capangpangan, 22 anyos, residente ng Brgy. Mainggit, Toledo, City, angkas nito sina Nelson Ilustrisimo at Carl Louie Navasca na mga residente ng Brgy. Biasong, Balamban.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Dagdag pa ng hepe, pagdating sa nasabing lugar, nag-counterflow umano si Capangpangan at lumagpas sa kabilang linya dahilan upang mabangga nito ang kasalubong na motorsiklong minamaneho ng isang Johsua Bachicha, 26-anyos na nooy angkas nito ang isang Nedlene Caldoza, 26-anyos, pawang mga taga Barangay Buanoy, Balamban.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Sa lakas ng impact, parehong nagtamo ng malaking pinsala ang dalawang motorsiklo at isinugod ang mga sakay nito sa Cebu Provincial Hospital Balamban habang si Navasca at Bachicha na umanoy kritikal ay inilipat sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.