CBCP, inindorso ang National Shrine of Saint Padre Pio bilang pangalawang International Shrine sa Pilipinas

BATANGAS CITY – Inindorso na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang National Shrine of Saint Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas bilang ikalawang International Shrine sa Pilipinas.

Itinayo ang Shrine of Saint Padre Pio noong taong 2003 at sikat itong pilgrimage site, lalo na para sa mga Pilipinong nais gumaling ang kanilang mga karamdaman.

Ayon kay CBCP president Bishop Pablo Virgilio David, kung sakaling maaprubahan ng Rome ang naturang aplikasyon, ito ang magiging ikalawang Vatican-approved na international shrine sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang isinagawang ika-128th CBCP plenary assembly na idinaos sa Conference Center sa Cagayan de Oro City.

Dinaluhan ang nasabing assembly ng nasa 122 na mga aktibo at retiradong Katolikong Obispo.

Sa ngayon, hinihintay nalamang ng CBCP ang pag-aproba ng Vatican, upang maging ganap nang isang International Catholic Shrine in the Philippines ang National Shrine of Saint Padre Pio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *