Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) Central Office na malalampasan nila ang tourist arrival sa Pilipinas nitong nagdaang taong 2021.
Ito ang naging pahayag ni DOT USec. Ferdinand Cocoy Jumapao sa ginawang opening ceremony ng Fiesta Bicolandia nitong nagdaang Huwebes, November 4, 2022 sa isang mall sa lunsod ng Legazpi.
Ayon kay Jumapao, bago magtapos ang taon ito ay posibleng maabot pa nila ang tourist arrival sa bansa na 3M sa local and foreign tourist.
Aniya, hindi pa natatapos ang taong ito, dinadagsa na ng mga turista ang ilang mga tourist destination sa bansa.
Maliban pa rito, naging maluwag na rin ang mga health protocols sa mga bansa, kung kaya’t napupuntahan na nila ang mga magagandang lugar sa bansa tulad ng Boracay, El Nido sa Palawang at iba pang mga resorts destination.
Inaasahan ng opisyal sa ikalawang quarter sa taon 2023 ay masasabi ng normal na umano ang situation sa bansa pagdating sa mga turista.