3 katao kasama ang 2 menor de edad, huli sa drug buy-bust operation sa Guinobatan, Albay

Arestado ang tatlong katao kasama ang dalawa pang menor de edad sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa P-2, Brgy. Ilawod, Guinobatan, Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Felipe”, 36 anyos, residente ng nasabing barangay; “Jonie”, 30 anyos; “Philip”, 24 anyos at parehong residente ng Brgy. Rizal, Oas; habang ang mga kasamahan nitong mga menor de edad ay sina alyas “Boy” at “Jojo.”

Read More:  Alleged ‘undersized’ culvert linked to Ilog village flooding, DPWH action sought

Batay sa ulat, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga otoridad laban sa isa sa mga suspek.

Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang “shabu” na may timbang na isang gramo at nagkakahalaga mahigit P6K.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Nang magkapalitan na ng item ay dito na nagdeklara ang mga otoridad dahilan upang tuluyang maaresto si ito at ang iba pa nitong mga kasamahan.

Dinala ang mga menor de edad sa MSWDO, habang ang tatlong mga suspek ay nasa kustodiya n ang pulisya para sa kaukulang disposisyon.