Tourism slogan, gustong gawing ‘Wow!, It’s More Fun!, Love, the Philippines’ ni Sen Lapid

Kung si Senador Lito Lapid ang tatanungin – bakit hindi na lang daw pagsama-samahin ang mga nagdaang tourism slogans ng Pilipinas at gawing ‘Wow!, It’s More Fun!, Love, the Philippines’.

Ginawa ni Lapid ang pahayag matapos ang kontrobersyang kinahaharap ngayon ng ‘Love the Philippines’ campaign dahil sa paggamit ng mga stock footages na hindi naman galing sa Pilipinas.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon sa Senador, dapat ay pagsama-samahin na lang ang mga slogans na ‘Wow Philippines’, ‘It’s More Fun in the Philippines’, at ang bagong ‘Love Philippines’.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kapag napagsama raw ito, mas magandang pakingan ang ‘Wow!, It’s More Fun!, Love, the Philippines’.

Sa ngayon, wala naman daw siyang nakikitang malisya at layuning pangloloko sa kampanya ng DOT.

Kinampihan din niya si Tourism Sec. Frasco lalo na sa plano nitong pag-terminate ng kontrata sa DDB Philippines.