Tinatayang aabot sa 36 provinces sa pagtaya ng PAGASA ang maapektuhan ng El Niño sa bansa na tumatagal ng 8-12 buwan.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay PAGASA- Climate Monitoring and Prediction Section, Chief Ana Solis, sinabi nito mula Oktubre hanggang sa buwan ng Disyembre ay posibleng maranasan na ang dry spell o tag-tuyot ang ilang lugar sa Luzon at Visayas.
Samantala, aabot naman sa 28 provinces ang makararanas ng “dry condition” ayon sa PAGASA na ilan sa mga lugar ay sakop ng Mindanao na posibleng mapasailalim sa dry spell pagdating ng first quarter ng 2024.
Nilinaw naman ni Solis na kahit na El Niño ay makararanas pa rin ng mga tag-ulan kung saan tinatayang may 10-14 na bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula buwan ng Hulyo hanggang Disyembre.