Mas maraming flight capacity papuntang South Korea, tiniyak ng mga local airlines

Pinaghahandaan ngayon ng mga local airlines ang pag-e-expand ng flight capacity para sa mga magtutungo ng South korea.

Ito ay matapos mapagkasunduan ng Pilipinas at Korea ang pagdadagdag ng weekly seat allotments.

Mababatid na kamakailan ay inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na mula sa 20,000 seat capacity para sa Manila-Incheon route, itinaas ito sa 30,000.

Bagaman may limit na ipinatutupad para sa naturang ruta, sinabi ng DOTr na ang mga flights mula sa points sa labas ng Manila papuntang ibang bahagi ng South Korea ay mananatiling bukas at hindi limitado sa ilalim ng kasunduan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *