Matapos ang hirit na muling bidding ng Smartmatic – COMELEC, nanindigang na-award-an na ang Miru systems

Naging matibay ang Commission on Election (COMELEC) sa kanilang desisyon sa pagpili sa Miru System para sa BSKE 2025.

Ito ay matapos umapela ang Smartmatic ng isa pang bidding sa Comelec para sa nalalapit na halalan.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sinabi nitong sakaling utusan muli ang Comelec na magpa-bidding – posibleng malagay sa alanganin 2025 elections.

Ani Laudiangco, tuloy na tuloy na ang preparasyon ng komisyon kasama ang Miru, at hindi umano magpapaabala ang Comelec sa ganitong mga usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *