CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 2,035 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte
Ito matapos na makapagtala muli ng 36 na panibagong kaso ng sakit sa lalawigan ang DOH Bicol kahapon
12 bagong kaso ang naitala mula sa bayan ng Daet. 6 mula sa San Lorenzo Ruiz, 5 sa Labo, may tig-4 na bagong kaso ang Jose Panganiban at Talisay habang 3 ang mula sa bayan ng Basud at 2 sa Vinzons
Bunsod nito, umaabot na sa 531 ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan
Wala naming naitalang recoveries kahapon at pagkasawi kung kaya’t nananatili ang mga bilang nito sa 1,425 at 79
Sa kasalukuyan ay nananatiling in full capacity pa rin ang mga Isolation wards sa Camarines Norte Provincial Hospital kung kaya’t patuloy na hinihikayat ng PHO ang mga LGU’s na humingi na ng tulong sa DepED sa gitna ng kakulangan ng mga isolation facility dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19
