1 sa mga nawawala sa Masbate sa kasagsagan ng Bagyong Jolina, nasagip sa Sorsogon

BICOL—Nasa ligtas nang kondisyon ang isa sa mga naiulat na nawawala sa islang lalawigan ng Masbate sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Jolina sa Bicol.

Sa pinakahuling report ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol, nasagip ang 31-anyos na mangingisdang si Gilbert Bartolay ng Brgy. Danao, San Jacinto, Masbate sa Donsol, Sorsogon dakong alas 5:00 ng umaga kahapon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Nakipag-ugnayan na rin ang Donsol Municipal Police Station sa San Jacinto police upang maipagbigay-alam sa mga kaanak nito ang kalagayan ng biktima na agad namang dinala sa Donsol District Hospital para masuri.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Bunsod nito, 13 na lamang ang kumpirmadong nawawala sa 14 na unang naiulat ng OCD na pawang mula sa probinsya ng Masbate.

Kabilang sa mga ito ang mag-anak na Bataican sa Sitio Zapatilio, Brgy. Zapatos, bayan ng Balud at ang lima pang indibidwal mula sa Barangay Gilotongon, Cawayan.# || slm