Total ban sa buli- buli mahigpit umanong ipapatupad sa Camarines Norte ng Padilla administration

CAMARINES NORTE- Inihayag ni Governor Ricarte “Dong” Padilla na mahigpit na ipapatupad ng kaniyang administrasyon ang total ban ng buli- buli sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Padilla nakipagpulong na siya noong isang araw sa mga may ari ng buli- buli na siyang pumapatay sa hanapbuhay ng mga maliliit na mangingisda.

Sinabi ito ng Gobernador sa pamamahagi ng mga bangka mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa sampung benepisyaryo na ginanap sa bayan ng Mercedes nitong Miyerkules na pinangunahan ni OIC Regional Director Nelson Bien.

Kaugnay nito ay hinimok ng Gobernador ang mga mangingisda at ang publiko na magsumbong sa kaniya kahit sa pamamagitan ng text kung may makitang buli- buli na nag- ooperate sa lalawigan.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Alinsunod sa  Republic Act 8550 as amended by Republic Act 10654 o ang Philippine Fisheries Code of 1998 partikular sa Section 97,  ipinagbabawal ang buli- buli  dahil sinisira nito ang corals at marine ecosystems.

“Buong probinsiya po bawal na, ibina- ban na natin ang buli- buli, wala nang pwedeng pumasok na buli- buli so ibig pong sabihin kapag may nakita kayong buli- buli diyan, mag text kayo sa akin, mag text kayo kay Mayor, mag text kayo kay Sir Lando (Provincial Fishery Officer Rolando Tiam), kami na po ang bahala hindi niyo kailangang magpakilala,” ani Padilla

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Pero hindi lang umano buli- buli ang problema sa lalawigan kundi ang dynamite fishing.

Aniya mas matindi ang epekto nito kaysa buli- buli dahil ginagamit ito sa mababaw na bahagi ng dagat na sumisira sa mga bahura na siyang pinanahanan ng mga isda.

Minsan umano ay nagrereklamo ang mga mangingisda sa pakaunti- nang pakaunting nahuhuling isda pero nasa tao rin ang problema dahil sa pang- aabuso sa karagatan.

Hindi lang buli- buli ang problema natin, nandiyan po yung mga nagda- dynamite fishing, ang dynamite fishing po mas matindi pa ang epekto kaysa sa buli- buli, mas maliit lang siya pero ang epekto po niya mas matindi kesa sa buli- buli.”