Dengue cases sa Camarines Norte tumaas ng 200 porsiento para sa Morbidity wewk 26- 27

CAMARINES NORTE – Patuloy ang naitatalang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Department of Health Bicol na inilabas kahapon, tumaas ng dalawang daang porsiento ang mga kaso ng dengue para sa morbidity week 26- 27.

Simula June 26 hanggang July 9, 2022 nakapagtala ang lalawigan ng 15 kaso ng dengue kumpara sa 5 sa kaparehong panahon noong isang taon o 200 percent increase.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Pumangalawa ang lalawigan sa anim na probinsiya sa rehiyon na may pinakamataas na kaso sa likod ng Camarines Sur na mayroong 75 sa naturang panahon.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue patuloy ang panawagan ng DOH sa publiko na sundin ang 4S strategy

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Ito ay suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok, sarili ay protektahan laban sa lamok sa pamamagitan ng paggamit ng long-sleeves o pantalon at insect repellant, sumangguni agad sa pinakamalapit na gamutan kapag nakaramdam ng sintomas para hindi lumala ang sakit, at suportahan ang fogging para sa mga lugar na may pagtaas na kaso sa loob ng dalawang linggo upang maiwasan ang outbreak.