Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur umakyat sa 37

NAGA CITY- Umakyat sa 37 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur matapos na madagdagan ng 8 kahapon at may isang gumaling.

Ang mga bagong kaso ay mga residente ng Sta. Elena Buhi, tatlong mga close contact ng COVID-19 patient.  Isa sa Cadlan Pili na close contact ng naka quarantine pa, isa sa Paloyon Proper sa Nabua,  Dinaga Poblacion sa Canaman, isa rin sa Sua Camaligan at Barangay Irayang Solong sa Minalabac.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa kasalukuyan umabot na sa 17, 053 ang cumulative cases. 16, 386 ang nakarekober pero 630 na ang nasawi.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Rafael Salles , Municipal Health Officer ng Pili, sinabi nitong 12-anyos ang huli nilang naitala pero asymptomatic naman.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mahalaga aniya na bakunado upang hindi matindi ang epekto ng virus kaya palalakasin pa ng LGU ang vaccination roll out at muling ipapaalala ang pagsunod sa health protocols.