Torismo sa ilang lugar sa lambak ng Cagayan, muling magbubukas – DOT RO2

Masayang ibinahagi ng Department of Tourism Region 2 ang muling pagbubukas ng mga tourism attractions at accommodation establishments sa piling lugar sa  Lambak ng Cagayan sa mga susunod na araw.

Ito ang kinumpirma ni Fanibeth Domingo, Officer-in-Charge Regional Director ng DOT Region 2 sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay OIC Domingo, ito ay matapos ibaba ang community quarantine status sa ilang lugar sa rehiyon.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Aniya, bago tuluyang buksan ang mga tourist attractions ay magsasagawa sila ng orientation sa mga stakeholders at mga Local Government Units

Nakadepende naman aniya sa LGUs kung muli nilang bubuksan sa publiko ang kanilang tourist spots.

Habang magsisilbing gabay na lamang sa mga stakeholders at mga LGUs ang tanggapan ng DOT sa pagbibigay ng mga Health and Safety Precaution Measures.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Dagdag pa ni OIC Domingo na ang mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine ay pinapayagan lamang ang 50% Capacity habang ang Modified General Community Quarantine ay nasa 75 % venue capacity.

Siniguro naman ng DOT na ang kanilang magiging prayoridad sa muling pagbubukas ng turismo sa lambak ay ang pagpapanatili sa pagsunod ng health protocols tulad ng physical at social distancing.