Pingpapaliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) kaugnay ng sinasabing pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon grid na inaasahang magreresulta sa mga rotational brownout.
Ayon sa senador na chairman ng Senate committee on energy, ang sinsabi ng DOE na pagnipis sa suplay ng kuryente ay taliwas sa ibinigay nilang garantiya nang humarap sila sa Senado noong Abril.
Sa nasabing pagdinig kasi ay sinabi ng DOE na di ninipis o di kukulangin ang suplay ng kuryente kahit ngayong tag-init.
Pero kahapon, sinabi ng DOE na posibleng magkaroon ng yellow alert at red alert sa Luzon grid sa mga susunod na araw.
Sa yellow alert, manipis ang reserba ng kuryente batay sa suplay at demand nito habang sa red alert naman, kapos ang suplay ng kuryente sa mga power grid at malamang na magkaroon ng rotational brownout.
Giit ng mambabatas, di pwedeng magkaroon ng rotational brownout ngayon kahit ilang minuto lamang dahil namamahagi na ng COVID-19 valccine sa buing bansa at parating na rin ang malalaking shipment ng bakuna na kailangang nakalagay sa required na lamig ng freezer kaya sakaling mag-brownout ay maaaring ikasira ng mga bakuna.
