Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio ng ang presensya ng maraming pulis na sinusubok arestuhin ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound ay nagbibigay ng ‘chilling effect’ sa mga miyembro nito.
Ito ay matapos ang kanyang pagbisita sa KOJC compound sa Davao, City ay hindi siya pinapasok ng mga pulis sa naturang katedral.
Dahil dito, maaaring nilabag ng mga kapulisan ang 1987 Constitution, partikular ang due process clause at ang probisyon na “private property shall not be taken for public use without just compensation.”
Ayon kay Topacio, ang pagkakaroon ng napakaraming pulis ay nangangahulugan na ang compound ay hindi maaaring gamitin bilang isang lugar na pagsamba.
Maliban dito, naniniwala ang ilang mga senado, kalihim, at PNP na ang puganteng si Quiboloy ay nasa loob pa ng compound.
Nanindigan naman ang kampo ng KOJC na wala na si Quiboloy sa lugar at sinabing ang operasyon ng mga otoridad ay isang “mission failure”.