Top Russia at Ukraine diplomats, dumating sa Turkey para sa negosasyon

Dumating ang foreign ministers ng Russia at Ukraine sa Turkey upang isagawa ang face-to-face talks sa gitna ng nagaganap na krisis sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito na ang unang high-level contact sa pagitan ng Russia at Ukraine mula nang ilunsad ng Moscow ang pananakop nito sa kanilang karatig na bansa.

Ayon kay foreign ministry spokesperson Oleg Nikolenko, dumating sa Antalya si Ukrainian Forein Minister Dmytro Kuleba para kubinsihin ang Russia na tuldukan na ang paglulunsad nito ng gyera laban sa Ukraine.

Nakapagsagawa na ang Kyiv at Moscow ng maraming rounds ng diskusyon sa Belarus.

Gayunman, nirerepresenta ng meeting sa southern city ng Antalya ang kauna-unahang beses na nagpadala ng ministro ang Russia para sa pag-uusap ukol sa krisis.

Kinumpirma naman ng isang Turkish official na dumating na rin sa lugar ang Russian counterpart na si Sergei Lavrov.