Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa kapulisan na magse-serve sana sa kanya ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kinilala ang lalaki na si Alyas Paul na Top 1 Most Wanted Person sa Regional Level.
Sa report ng Balamban Municipal Police Station, pasado alas 08:00 ng umaga, nakarating sila sa Barangay Bayong, Balamban, Cebu na syang kinaroroonan ni Alyas Paul.
Nauwi ito sa palitan ng bala nang manlaban ang nasabing wanted.
Sa clearing ng mga otoridad, nakita ang duguang katawan ni Alyas Paul kaya’t kaagad itong isinugod sa ospital ngunit ideneklarang patay ng doktor.
Narekober ng kapulisan ang isang unit ng KG9 sub machinegun, dalawang mahahabang magazines, 3 basyo ng bala at 40 buhay na bala ng .9mm na armas.