Suspek sa pagnanakaw ng 27 na tablet ng LGU Echague, sasampahan ng kaso ngayon araw

Nakahanda ngayong araw ang mga papeles para sa pagsasampa ng kasong robbery laban sa LGU employee na suspek sa nakawang nangyari sa LGU – Echague kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Loreto Martinez Jr., ang drayber ng Municipal Engineering office, at residente ng Brgy. Ipil, Echague, Isabela.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa panayam ng Brigada News FM Cauayan kay PMaj. Rogelio Natividad, ang Chief of Police ng Echague PNP, hinihintay na lamang aniya nila ang warrant of arrest upang mayroon silang basehan sa pagkaka-aresto sa naturang suspek.

Kung matatandaan, noong ika-18 ng Hunyo nangyari ang insidente sa Echague Municipal Planning and Development Office (MPDO) office kung saan 27 na tablet ang natangay na mayroong kabuuang halaga na Php296,973.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Nadiskure naman ng isang admin aid ng Echague MPDO ang marketplace online na napagbentahan umano ng mga tablet at dito nakumpirma na ang mga naturang gadgets ay ibinenta ni Martinez.