TNT, tinalo ang Meralco kagabi sa PBA

Tinalo ng  TNT Tropang Giga ang kanilang sister team na Meralco Bolts sa laro nito kagabi sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Sa final score na 92-90, naibalik ng TNT ang kanilang koponan sa win column ng 2023 PBA Philippine Cup.

Nagtapos si Calvin Oftana na may 26 puntos, siyam na rebounds, at isang assist, at sumunod naman sa kanya si Jayson Castro na may 15 markers, anim na boards, at isang assist.

May 3 wins at 3 losses na sa ngayong ang TNT, at muling sasabak sa laban sa Abril 13 kasama ang NLEX Road Warriors.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *