Bilang ng mga namatay sa lindol sa Taiwan, umakyat na sa 13

Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga namatay sa naganap na lindol sa Taiwan.

Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang mga nawawala matapos lumipas ang 72-hour period ng victim survival rate noong Sabado.

Inihayag ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi matapos na madiskubre ng mga search and rescue worker ang tatlo pang bangkay sa isang trail sa national park.

Ayon naman sa Taiwan, nagpasya itong tumanggap ng pitong miyembrong koponan mula sa Turkey, na nagsilbing unang foreign rescue squad upang suportahan ang mga pagsisikap sa paghahanap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *