TNT, isang panalo na lang ang kailangan bago magkampeon

Isang panalo na lang ang kailangan ng TNT Tropang GIGA upang maiuwi nito ang PBA Philippine Cup title.

Kasunod ito ng pagdomina ng Texters sa Magnolia Hotshots sa score na 106-89 sa Game 4 ng kanilang best-of-seven finals series.

Sa ginanap na laro sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga nitong Miyerkules, ay nagawa ng TNT na makalayo sa puntos mula sa Hotshots sa second quarter.

Mula sa 24-all deadlock ay nagkaroon ng half time advantage ang Texters sa score na 57-39, na dala na rin ng mahinang shooting ng Hotshots.

Nanguna ang birthday boy na si Mikey Williams sa panig ng TNT na may 26 points kabilang na ang anim na three-point shots.

Mababatid na simula sa Biyernes ay magkakaroon ng tatlong tyansa ang Magnolia na maiuwi ang korona ng Philippine Cup.