Tindero ng pandesal, sugatan matapos araruhin ng jeep ang 2 motorsiklo

Sugatan ang driver ng rolling bakery matapos araruhin ng jeep ang 2 motorsiklo.

Nangyari ang insidente alas-5 ng umaga, Huwebes, Hunyo 13 sa Salinas Drive, Cebu City.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Kinilala ang biktima na si Kinkin Birases, 24-anyos na nagtamo ng sugat sa noo at kamay.

Ayon sa mga otoridad, nakaidlip ang driver ng jeep habang nagmamaneho kaya bumangga sa motorsiklo, sa lakas ng impact dumiretso ito sa isa pang motorsiklo.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Nagkalat pa sa kalsada ang mga paninda nitong pandesal.

Aminado naman ang driver ng jeep na kulang siya sa tulog dahil sa pagtatrabaho.