Emergency responder, patay matapos bumaliktad ang sinasakyang ambulansya

Patay ang isang responder matapos bumaligtad ang sinsakyang ambulansya.

Nangyari ang insidente sa Argao, Cebu ala-1 ng hapon ng Huwebes, Hunyo 13.

Pinagmamay-ari ng PDRRMO Zamboanga Del Norte ang ambulansya na naghatid ng pasyente sa Cebu City.

Papunta sana ito sa Bato Oslob Wharf upang sumakay pauwi ng Zamboanga Del Norte ngunit hindi na ito umabot dahil sa disgrasya.

Sumabog kasi ang gulong ng ambulansya kaya bumaligtad ito ng dalawang beses.

Samantala, nasa mabuting kalagayan na ang driver, nurse at isa pang responder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *