Hidilyn Diaz, muling kinilalang Athlete of the Year ng PSA

Sa ikatlong pagkakataon, muling hinirang ang Filipina weightlifter Hidilyn Diaz bilang Athlete of the Year ng Pilipinas sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa March 14.

Si Diaz ang nagbigay ng katuparan sa mahabang paghihintay ng Pilipinas para sa Olympic glory ng halos isang siglo, nang manalo ito sa women’s -55kg event sa Tokyo Summer Games noong nakaraang taon.

Ayon kay PSA president Rey C. Lachica, ang pagkapanalo ni Hidilyn ng first-ever Olympic gold medal para sa bansa, ang high point para sa totoong hindi malilimutang taon para sa Philippine sports.

Dagdag ni Lachica, unanimous ang PSA sa kanilang choice na si Hidilyn ang kanilang Athlete of the Year para sa 2021. //MHEL PACIA-TRINIDAD