Pili festival 2023 bubuksan sa pamamagitan ng ‘Color Foam and Fun Run’

Opisyal nang magsisimula sa araw ng Linggo, June 18,  ang  2023 Pili Festival na bubuksan sa pamamagitan ng isang Color and Foam Fun Run.

Kahapon ay nagpulong na ang pamunuan ng Sorsogon City Water District at Sorsogon City Tourism, Culture and Arts Office para sa pagsasapinal ng mga detalye kaugnay ng nasabing aktibidad na magsisimula sa Rompeolas ganap na alas 4:00 ng hapon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Kaugnay nito ay inaanyayahan ang publiko na makiisa sa nasabing event kung saan libre ang pagpaparehistro bukod pa sa libreng Race Bib na ibibigay sa mga lalahok.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ang Color and Foam Fun Run 2023 ay hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Sorsogon at Sorsogon City Water District (SCWD) sa pakikipagtulungan ng Prime Water Sorsogon City, Abejo Water Corporation at Casiguran Water District.