Tinanggal na pulis kay VP Sara, ginamit sa SONA security at Carina rescue ops – PNP

Malaki ang naitulong ng mga downloaded na pulis mula sa iba’t-ibang units ng PNP sa katatapos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa epekto ng bagyong Carina at Habagat.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief , Col. Jean Fajardo, malaki ang naitulong ng karagdagang pwersa partikular sa National Capital Region Police Office kung saan sila nailipat.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Lalo na aniya noong kasagsagan ng mga pagbaha.

Kabilang sa mga nailipat ang 75 pulis mula sa Vice Presidential Security Protection Group, 150 mula sa PSPG at mahigit 600 na downloaded mula sa National Headquarters ng PNP

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Layon ng PNP leadership sa paglilipat ng mga pulis na mapalakas ang police vicibility sa Metro Manila.

Samantala, sinabi ni Fajardo na high morale ang 75 pulis na dating nagbibigay seguridad kay VP Sara Duterte.

Ang karamihan aniya sa mga ito ay piniling magpa destino sa Southern Police District.