Ipinakilala kamakailan ang tinaguriang “World’s Shortest Dog” ng Guinness World Organization na may sukat umano na kasing haba ng $1 bill.
Ito ay isang aso na Chihuahua na nagngangalang Pearl kung saan, may sukat na 9.14 cm at may habang 12.7 cm in length.
Bago umano naideklara si Pearl para sa titulo, dumaan muna siya sa mabusising proseso kung saan sinukat ito ng tatlong beses upang makuha ang accurqate na sukat.
Sa tulong ng isang beterenaryo, sinukat ito ng isang measuring wicket upang makuha ang tangkad nito.
Pagkatapos ng proseso ay opisyal ngang naianunsyo si Pearl bilang kasalukuyang may hawak na record breaking title na ito na ginanap sa isang TV show na pinamagatang “Lo Show Dei Record”.
Isa pa umano sa magandang at kakaibang katangian ni Pearl ay tahimik lamang ito at hindi kagaya ng mga agresibong Chihuahua.|WENCY LISAY