Time limit sa pagboto hindi ipatutupad sa Naga City

NAGA CITY- Hindi ipatutupad ang time limit sa pagboto sa Mayo 9 sa Naga City, ito ang kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Atty. Ednalyn Referiza sinabi nitong bawal tumambay sa voting centers, makipagkwentohan o mag “marites” , kung tapos na dapat lumabas na sa paaralan. 10-15 minutes aniya ang tinatayang oras pero batid nilang magkakaiba ang kapasidad ng bawat isa sa pagboto, partikular na sa pagshade.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mababatid na naging bukas ang COMELEC sa suhestiyon ng Department of Health na bigyan ng time limit ang mga botante kung hindi naman ay magiging istrikto na lamang sa hindi pagkukumpulan o pagsisiksikan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ngayong 2022,  117K ang registered voters ang naitala sa Naga.