Timberwolves nakaiwas sa sweep, tinalo ang Mavericks sa Game 4 ng WCF

Nakaiwas sa sweep ang Minnesota Timberwolves matapos angkinin ang Game 4 kontra Dallas Mavericks sa nagpapatuloy na NBA Western Conference Finals.

Nanguna sa panalo si Anthony Edwards na humakot ng 29 points, 10 rebounds and 9 assists para sa Timberwolves.

Read More:  Alex Eala advances to Round of 16 in Hong Kong Open

Uminit din si Karl Anthony Towns sa tres kung saan apat sa limang tira nito ang pumasok, at nagtala ng kabuoang 25 puntos.

Kapwa inalat naman sa shooting ang dynamic dou ng Dallas na sina Kyrie Irving at Luka Doncic matapos ang combined 13 out of 39 field goal shooting.

Read More:  Alex Eala braces for third showdown against Alycia Parks in Hong Kong Open

Babalik sa home court ng Minnesota ang laro para sa Game 5 ng serye.