Sunog sa Brgy. Bulwang Numancia, umabot sa general alarm

Natupok ng apoy at umabot sa general alarm ang sunog ng isang malaki at kilalang building sa Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan ng mahigit dalawang oras kaninang umaga.

Base sa initial na imbistigasyon Bureau of Fire Protection (BFP), pagmamay-ari ng isang negosyante ang nasunog na building na kungsaan tinatayang nasa limang establishments ang partially burned na kinabibilangan ng isang multi-purpose cooperative, surplus shop, glass and aluminum, motor dealer at repair shop ng mga saeakyan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon sa may-ari ng nasunog na building, umaabot sa P40 hanggang 60-M na kasiraan ang inihatid ng sunog na agad namang nirespondehan ng siyam na mga Bureau of Fire Protection (BFP) Stations sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa programa ng BRIGADA News FM Kalibo.//MARIVIC Y. ILIN

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan