NAGA CITY – Dinagsa ng mga mamimili ang ilang pwesto sa Naga City bilang paghahanda sa ipinatupad na Weekend Lockdown o weekend Enhanced Community Quarantine, tila nag panic buying ayon sa mga nanakita.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLT. Col. Errol Garchitorena, Deputy City Director, HERF Security Cluster Chief ng Naga, sinabi nitong ito ang nakikita pa nilang maaaring maging problema rin sa susunod lalo na hindi nila pwedeng pagbawalan ang mga mamimili.
Dagdag pa ng opisyal, ito ang naging reaksyon ng mga tao lalo na mayroong mga mamimiling may araw lamang ang kanilang pamamalengke.
Upang hindi na maulit pa ang sitwasyon ibinahagi ni Garchitorena na posibleng daragdagan nila ang mga personahe sa mga pamilihan.