Licensure examination for professional teachers, ligtas at mapayapang idinaos kahapon sa Catanduanes State University

BNFM BICOL— Mapayapa at ligtas ring naisagawa kahapon Setyembre 26, ang Licensure Examination for Professional Teachers sa Catanduanes State University sa Brgy. Calatagan, Virac Catanduanes.

Nasa kabuuang 205 na mga first takers examinees ang sumalang sa naturang pagsusulit kung saan mayorya sa mga ito ay residente ng islang lalawigan.

Dahil pa rin sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19, ligtas na idinaos ng PRC Team, proctors at mga examinees ang LEPT sa pamamagitan ng pagsasailalim muna sa antigen, saliva test o RT-PCR test bago ang pagsusulit.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mahigpit ring ipinasunod ang minimum health standards sa  examination venue katulad ng pagsusuot ng face masks at social distancing.

Kaunay nito isang araw bago ang nasabing aktibidad, nagsagawa muna ng Proctor’s Orientation at site inspection ang PRC Team, partikular sa 29 na silid na ginamit ng mga examinees.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Halos dalawang taon din ang itinagal bago muling nagkaroon ng LEPT sa lalawigan ng Catanduanes at sa pagkakataong ito, naging malaking bagay at tulong para sa mga examinees na mismong sakanilang probinsya idaos ang pagsusulit  dahil hindi na kinailangan ng mga itong lumuwas at magtungo sa mainland Bicol.

Naging counterpart naman ng PRC ang pamahalaang panlalawigan na siyang tumugon sa mga kahilingan ng komisyon gaya ng venue; security coordination; food and accomodation at mobility.###