‘Tigsik’ buhay na buhay sa bayan ng Sta Magdalena

SORSOGON CITY – Kasabay ng selebrasyon ng National Arts Month ngayong buwan ng Pebrero, ay ang paglulunsad din ng iba’t-ibang aktibidad ng local government units sa Sorsogon na may kaugnayan sa sining.


Sa bayan ng Santa Magdalena ng nasambit na lalawigan, sinusubukang buhayin muli ang paglalahad sa pamamagitan ng Tigsik.


Masusubukan ang galing ng may edad 15 hanggang 30 anyos ang tatas ng dila at talas ng isipan sa patimpalak na ito.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu


Tigsik ang tawag sa sinaunang aliwan ng mga Bicolano. Ang isang kalahok ay lilikha ng maikling bersong may mono-rhyme na karaniwang ang tema ay satire o kaya naman ay patama sa isang tao.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan


Karaniwang ginagawa ang Tigsik sa isang pagtitipon, ngunit sa kasalukuyang sitwasyon, gagawin itong online.


Sa facebook page ng Tourism office ng naturang bayan, pinapayuhan ang mga lalahok ay magsusumite ng 2 hanggang 3 minutong video ng kanilang kumposisyon.


Hihintayin ang mga lahok hanggang Pebrero 18. May karampatang cash price naman ang mananalo.