Tataas na sa P11 ang minimum fare para sa traditional public utility jeepneys (PUJs) sa buong bansa simula July 1, matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga apela para sa fare hike.
Una nito, inaprubahan ng LTFRB ang consolidated petitions sa buong bansa, para sa provisional P2 fare increase, para makatulong sa mga drivers at operators sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.
Nitong buwan lang din, nang aprubahan ng naturang ahensya ang temporary jeepney fare hike mula P9 sa P10, pero para lang sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.

Samantala, ang bagong minimum fare naman para sa mga modern PUJs ay nasa P13 para sa unang apat na kilometro.
Walang namang increase na ipapatupad pa sa susunod na distansya. //MHEL PACIA