Thea Gagate, nanguna sa over all pick sa PVL Rookie Draft

First pick agad ang three-time UAAP Best Middle Blocker ng La Salle Lady Spikers na si Thea Gagatae sa VL Rookie Draft.

Siya nga ang agad na pinili ng ZUS Coffee bilang maging miyembro ng kanilang team, at inaasahang magpapalakas sa opensa ng grupo.

Ayon kay Gagate, nakararamdam pa rin siya ng pressure lalo’t siya ang first pick.

Hindi rin aniya ito magiging madali para sa kanya.

Tiniyak niya namang gagawin niya ang lahat upang umangat at matulungan ang kaniyang kuponan sa PVL.

Samantala, sinabi naman ng ZUS Coffee na magiging malaking hakbang ang pagpili sa La Salle player, dahil maaari niyang mabago ng kapalaran ng takbo ng liga. (BRIGADA INTERN – Joel Ricalde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *