Color-coding system o kategorya ng pagkaing ibebenta sa paaralan, kailangang sundin

Kailangang sundin ng bawat tindahan sa paaralan ang color-coding system o kategorya ng mga pagkaing ibebenta alinsunod sa nakapaloob sa DepEd Order No. 13 series of 2017 o Police and Guidelines on Healthy Food and Beverage choices in Schools and in DepEd Office.

Dahil dito, ipinaliwanag ng Department of Education Region 2 na katuwang nila ang National Nutrition Council Region 2 sa pagmonitor ng mga ibinebenta sa paaralan.

Sa nasabing kautusan ang mga pagkaing kulay green tulad ng gulay ay dapat ibenta araw-araw habang ang yellow naman ay dalawa hanggang tatlong beses lamang dapat ibenta sa paaralan.

Ang mga pagkaing mataas sa asin, calorie at sodium ay hindi na dapat ibenta pa sa paaralan upang matiyak ang kalusugan ng mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *