The Mandate 2022: AFP, nagpakalat ng halos 70,000 mga sundalo para ngayong araw

Nagpakalat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 69,705 na mga sundalo na tutulong para matiyak ang seguridad sa halalan ngayon araw.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Ramon Zagala, ang ilang mga tropa ay ideneploy sa mga lugar na tinukoy bilang mga areas of concern at sa Commission on Elections (Comelec) hotspots.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Dagdag ni Zagala, ang deployment ay nakatutok sa mga lugar na nasa ilalim ng red category at sa mga tinukoy na Comelec control, maging sa orange category.

Read More:  Imee Marcos questions President’s ‘don’t panic’ remark

Una nito, nasa 105 mga bayan ang tinukoy ng Philippine National Police na areas of concern, habang 15 ang mga lungsod. //MHEL PACIA-TRINIDAD