Pinayagan ng dalawang korte ng Muntinlupa Regional Trial Courts (RTCs) si Senator Leila de Lima na makalabas sa kanyang detention facility at makaboto ngayong araw, May 9 elections.
Ayon sa korte, papayagang makaboto si De Lima mula alas 9 a.m. hanggang alas 12 p.m. sa Saint Rita College, Parañaque City, at agad na babalik sa pasiidad.
Sa hiwalay naman na kautusan na inilabas ng Muntinlupa RTC Branch 204 dated April 29, sinabi ng korte na kailangang may proper police escorts ang senadora, at bawal rin ito magpaunlak ng media interviews.

Binigyang diin ng dalawang korte na walang PDL special polling place na senet-up sa loob ng Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame.
Sa gitna nito, sasagutin ng senadora ang lahat ng gastos para sa pagbiyahe sa kanya mula sa custodial center sa Quezon City, papunta sa kanyang polling place.//MHEL PACIA-TRINIDAD