TESDA isinailalim sa training ang mga contact tracers na idine-deploy sa Catanduanes

BNFM BICOL—Upang mas maging epektibo sa pagsasagawa ng kanilang trabaho at matulungang linangin ang kakayahan bilang mga contact tracers, isinailalim sa training ng Technology Education and Skills Development Authority o TESDA, ang mga idine-deploy na contact tracers sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay Elpidio Tuburo – TESDA Administrator 3, ito umano ang bagong programa ng kanilang national office ngayong panahon ng pandemya upang matulungang linangin ang kaalaman ng mga contact tracers sa pagsasagawa ng profiling, contact identification, case investigation, monitoring at iba pa.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Aabutin ng 15 araw o kalahating buwan ang pag-aaral at training ng mga contact tracers sa naturang Competency Standards for Contact Tracing Level 2 sa TESDA Cabugao School of Handicraft and Cottage Industries sa bayan ng Bato.

Dagdag pa ng opisyal, ito rin ay kabilang sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang mapunan ang short age o kakulangan ng mga contact tracers sa bansa na may malaking papel na ginagampanan ngayong nagpapatuloy pa rin ang pandemya.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng 45 graduates sa naturang kurso ang ahensya, mula sa mga bayan ng San Andres at Caramoran na karamihan umano ay mga BHW.

Nagpapatuloy naman sa pagsasanay ang 24 pang indibidwal na magsisilbi ring contact tracers sa mga bayan ng Pandan, Virac at San Miguel.###