Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang kay Filipino billiards champion Carlo Biado matapos masungkit ang 2021 US Open Pool Championship sa Atlantic City, New Jersey.
Sa isang pahayag sina ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque na nagbigay ng karangalan para sa Pilipinas ang pagkakapanalo ni Biado sa naturang torneyo.
“Carlo is indeed a world-class billiards champion. President Duterte personally conferred Carlo a presidential citation for winning a gold medal in the 29th Southeast Asian Games (SEAG) in 2017,” ayon kay Roque.
Si Biado ang ikalawang Pinoy na nag-kampeon sa US Open matapos itong pagharian ni Efren ‘Bata’ Reyes noong 1994.